Sunog sa Grand Central fireout na

MATAPOS ang 80 oras o tatlong araw, idineklara nang fireout ang sunog sa Ever Gotesco Grand Central sa Caloocan kaninang umaga, Marso 20.

Bandang alas-7:25 ng umaga nang tuluyang maapula ng Bureau of Fire Protection (BFP) at ilang fire volunteers ang sunog sa sa naturang mall na nagsimula pa noon Biyernes, Marso 16, pasado alas-10:40 ng gabi.

Kaugnay nito, maaari nang bumalik ang mga residenteng nakatira sa paligid ng mall sa kani-kanilang mga tirahan.

Samantala, agad nang isasagawa ng Presidential Inter-Agency Anti-arson Task Force ang imbestigasyon upang malaman kung ano ang sanhi ng sunog at kung bakit ito tumagal ng higit sa tatlong araw.

Binubuo ang task force ng mga kinatawan mula sa Department of Justice (DOJ), Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP).

Tinatayang mahigit 20 fire truck ang nagtulung-tulong upang maapula ang makapal na usok at pabugsu-bugsong apoy sa loob ng mall.

Idedeklara na ring condemned building ang naturang pamilihan dahil hindi na ito maaaring pakinabangan.

Sa inisyal na imbestigasyon, sa isang tindahan ng sapatos nagsimula ang sunog na mabilis na kumalat sa mga katabing tindahan habang may 16 naman ang naitalang sugatan sa insidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply