Sunog sa San Juan City: 12 bahay naabo, magkapatid sugatan

TINATAYANG 12 bahay ang tinupok ng apoy habang nasugatan naman ang magkapatid makaraang magkasunog sa San Jose Street, San Juan City.

Batay sa ulat ng San Juan Fire Department, nagsimula ang sunog mula sa isang paupahang apartment sa hindi pa matiyak na dahilan kung saan umabot sa ikalawang alarma na tumagal ng isang oras.

Nasa 70 pamilya naman ang naapektuhan ng naturang sunog habang umabot sa halos P800,00 ang pinsala nito.

Nakilala ang magkapatid na sugatan na sina Lourdes at Maria Rosario Bautista na nasa maayos nang kalagayan.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply