Sunud-sunod na lindol naitala sa Pinas

MULI na namang niyanig ng sunod–sunod na lindol ang Occidental Mindoro na naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology kagabi hanggang kaninang madaling araw, batay sa ulat ng Office of Civil Defense.

Ayon kay Phivolcs Seismologist Winsel Sevilla, unang niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Looc, Occidental Mindoro pasado alas-11:30 kagabi kung saan naramdaman ang intensity 4 sa Looc, habang intensity 3 ang naramdaman sa Puerto Galera sa Oriental Mindoro, Quezon City, Muntinlupa at Maynila.

Subalit hanggang kaninang alas-4:03 ng madaling araw, ay muling nakapagtala ng pagyanig ang naturang bayan na may lakas na magnitude 5.3 sa may timog-silangan ng Looc, Occidental Mindoro at naramdaman din hanggang sa Metro Manila.

Naitala ang sentro ng lindol sa 120.22°E – 017 km S 11° W ng Looc at may lalim na 12 kilometro na naramdaman ang intensity 3 sa Quezon City, Maynila, Muntinlupa City, habang intensity 1 sa Lucban, Quezon.

Sinaabi pa na kapwa tectonic ang pinagmulan ng lindol, habang tiniyak din ng Phivolcs na wala namang inaasahang mga aftershock.

Sa ngayon ay inalaam pa kung ang nasabing mga pagyanig ay sanhi ng paggalaw ng Looc Lubang fault o Manila trench.

Muling pina-alala ng Phivolcs sa publiko na gawin pa rin ang paghahanda sa anumang oras upang kahit papano ay makaiwas sa tiyak na kapahamakan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply