Suspects sa Bedan hazing dumami pa

TUMAAS pa ang bilang ng mga suspek sa pagkamatay ng hazing victim na si Marvin Reglos.

Ito ay dahil na rin sa inilabas ng San Beda College na kuha ng closed-circuit television (CCTV), ilang oras bago isinagawa ang initiation rites sa biktima.

Sa tatlong oras na footage ng video, nakita si Reglos na may tini-text bago nagtungo sa Antipolo City noong gabi ng Pebrero 18.

Nakita rin sa video ang pagtadyak ng isang miyembro ng Lambda Rho Beta fraternity sa isa pang hinihinalang recruit.

Ikinatuwa naman ng pamilya Reglos ang ginawa ng San Beda.

Nakatakda nang sampahan ng kasong murder at paglabag sa anti-hazing law sa piskalya ang apat pang bagong suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply