Update: Suspek sa pamamaril sa “The Daily Tribune” reporter kilala mismo ng biktima

KINUMPIRMA ng asawa ng reporter ng pahayagang “The Daily Tribune” na kilala ng biktima ang mga suspek na namaril sa kanya.

Ayon kay Gemma sa panayam sa dzMM, asawa ni Fernan Jose Angeles, bago mawalan ng malay ang kanyang asawa ay sinabi nitong kilala niya ang mga namaril sa kanya.

Hinihinala ring may posibilidad na may kinalaman sa pamamaril ang isang malaking personalidad sa lungsod dahil si Fernan ang nag-leak ng anomalya hinggil sa ilegal na droga sa Pasig City.

Samantala, kasalukuyang nasa kritikal pa ring kondisyon si Fernan sa intensive care unit (ICU) ng Pasay City General Hospital na nagtamo ng anim na tama ng bala ng baril sa Evangelista Street, Barangay Pinagbuhatan.

Humihingi naman ng tulong si Gemma para sa mga blood donor na kailangan ng kanyang asawa.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply