SUV sumalpok sa puno: Mag-asawa sugatan

NASUGATAN ang mag-asawang lulan ng SUV matapos mabangga ang isang punong kahoy sa Zamboanga City.

Nabatid na nagkayupi-yupi ang Toyoto Fortuner na minanameho ni Michael Delos Santos nang mangyari ang aksidente sa Barangay Sta. Maria.

Ayon sa driver, nawalan ng kontrol ng manibela dahil tila naipit ang accelerator ng sasakyan. Nang apakan aniya ito ay hindi na ito bumalik at lalong tumulin ang takbo ng kanyang sasakyan.

Sa lakas ng pagkakabangga niya sa punong kahoy ay tumilapon ang likod nito hanggang masentro sa gitna ng dalawang punong kahoy.

Galos sa kanyang katawan ang natamo ng driver habang sugat sa ulo ang tinamo ng kanyang asawa, na isinugod kaagad sa hospital.

Ligtas naman sa aksidente ang kanyang mga anak, na sakay din sa kotse nang mangyari ang aksidente.

Plano ngayon ni Delos Santos na maghain ng pormal na reklamo sa kumpanya ng sasakyan dahil defective umano ang kanyang nabiling unit.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply