Suweldo, allowances ni Corona kaduda-duda

PINAGDUDUDAHAN ng prosekusyon ang mga listahan ng sweldo at allowances na iprinisenta sa impeachment court ni Araceli Bayuga, isa sa finance officers ng Supreme Court.

Iginiit ni Marikina Rep. Miro Quimbo na maaari aniyang may mga isinama si Corona sa kanyang dokumento na mga sahod at benepisyo na kwestyunable para sa kanila.

Kabilang sa kinukwestyon ng prosekusyon ay ang Representation And Travel Allowance (RATA), Extraordinary and Miscellanous Expenses, Judicial Development Fund, at ang sobrang pera na umabot sa P7 milyon.

Giit ng prosekusyon, hindi sweldo o allowance na maituturing ang ilang nabanggit sa dokumento ni Corona na “subject for liquidation” kung saan dapat na maipakita kung para saan ang pera at paano ginastos ito.

Dagdag pa ni Quimbo na dapat maipaliwanag ng personal ni Corona at huwag iasa sa depensa ng kanyang mga abogado ang pagpapaliwanag ukol dito.

“If you received one representation allowance from one agency, you cannot receive anymore. When you talk about extra-ordinary expenses, under the law those are the expenses that you have to only access by virtue of reimbursements.”

Si Bayuga ay pinabalik ngayong hapon ng mga senador para sa cross examination.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply