Jessica Sanchez lusot; Heejun Han tsugi na sa American Idol

MAITUTURING na sweet dream para kay Jessica Sanchez ang pagkakapasok niya sa Top 8 ng American Idol season 11.

Yes! Ligtas ang half-Filipina sa katatapos na elimination round ngayong umaga (oras sa Pilipinas).

Kahapon (Marso 29, petsa sa Pinas), ginawang ballad ni Jessica ang “Sweet Dreams” na isang fast song ng idolo niyang si Beyonce Knowles.

Hindi man umani ng standing ovation si Jessica ay puro magandang komento at papuri naman ang ibinigay sa kanya ng mga Idol judge na sina Jennifer Lopez, Randy Jackson at Steven Tyler.

Samantala, hindi naman umubra ang standing ovation na nakuha kahapon ng Korean-American na si Heejun Han (na kumanta ng Donny Hathaway hit na “A Song For You” mula sa tatlong judge.

Tuluyan nang natuldukan ang Idol journey ni Han, 22-anyos nang makakuha ng pinakamababang boto.

Nakasama niya sa bottom three sina Hollie Cavanaugh at Skylar Laine.

Narito ang mga natitira pang Idol hopefuls:

1. Joshua Ledet, 19  (estudyanteng mula sa Westlake, Los Angeles)
2. Colton Dixon, 20 (alt-rock musician ng Murfreesboro, Tennessee)
3. Phillip Phillips, 21 (pawnshop worker mula sa Leesburg, Georgia)
4. DeAndre Brackensick, 17 (estudyante mula sa San Jose, California)
5. Hollie Cavanaugh, 18 (bokalista ng McKinney, Texas)
6. Skylar Laine, 18 (country crooner ng Brandon, Mississippi)
7. Elise Testone, 28 (guro mula sa Charleston, South Carolina)
8. Jessica Sanchez, 16 (estudyante galing sa San Diego, California)

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply