Syria deployment ban para rin sa mga OFW – Malakanyang

IGINIIT ng Malakanyang na para sa mga overseas Filipino worker ang ibinabang deployment ban ng pamahalaan sa Syria.

Ani deputy presidential spokesperson Abigail Valte, nais ng gobyerno na manatiling ligtas ang mga Pilipino kung kaya sinusuportahan nila ang pagpapatupad ng Syria ng deployment ban dahil sa lumalalang kaguluhan doon.

Dagdag pa niya, patuloy din ang pagpapa-uwi ng gobyerno sa mga Pilipino na nananatili pa rin sa Syria.

Ayon sa Malakanyang, hindi nila tinutulan ang desisyon ng Syria na mula Abril 1 ay hindi na tatanggapin ang OFW na magtrabaho sa kanilang bansa para na rin sa kanilang kaligtasan.

Giit ni Binay, presidential adviser on OFW concerns, patuloy ang kanilang pagbabantay laban sa illegal recruitment at human trafficking ng mga sindikatong patuloy na hinihikayat ang mga aplikante na nais magtungo sa Syria.

Sa naunang ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA), ipinatupad ng Syrian Ministry of Interior ang Decision Order No. 500 noong Marso 4, 2012, na nagbabawal sa mga OFW na magtrabaho sa Syria.

Tatanggap lamang ang Syria ng mga domestic worker mula Sri Lanka, Nepal, Indonesia, Vietnam at Bangladesh.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply