Syria ‘di na kukuha ng Pinay maid simula sa Abril

HINDI na kukuha ng mga Household Service Worker (HSW) mula sa Pilipinas ang bansang Syria simula sa Abril, ayon sa Departmernt of Foreign Affairs (DFA).

Sa isang kalatas, sinabi ng kagawaran na pinalabas na ng Syrian Ministry of Interior ang Decision Order No. 500 na nagtatanggal sa Pilipinas sa listahan ng mga bansang pinapayagang magtrabaho sa Damascus.

Naiwan sa listahan ang mga dayuhang manggagawa mula sa Sri Lanka, Nepal. Indonesia, Vietnam at Bangladesh.

Sinabi pa ni Foreign Affairs Assistant Secretary Raul Hernandez na pinaalam na nila sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang bagong kaganapan upang makapagpalabas ng nasabing ahensiya ng kaukukang patakaran para sa mga nais magtrabaho sa Syria.

Naniniwala naman si Vice President Jejomar Binay na “blessing in disguise” o magandang pagkakataon para sa Pilipinas ang pagbabawal dahil mapapalakas nito ang kampanya ng pamahalaan laban sa human trafficking at illegal recruitment ng mga OFW patungong Syria.

Kasalukuyang nagpapatupad ang pamahalaan ng deployment ban ng mga OFW sa Syria dahil na rin sa lumalalang sitwasyon doon.

Gumagawa na rin ng pamamaraan ang pamahalaan upang mailikas pabalik sa Pilipinas ang mahiigit 8,000 OFW sa Syria.

Ayon naman kay Binay, malaking tulong ang pagbabawal ng pamahalang Syria na kumuha ng manggagawang Pilipino sa ipinatutupad na deployment ban.

“Dahil Syrian government mismo ang nagbawal na makapasok ang mga OFWs sa kanilang bansa, makakasiguro tayo na hindi na sila mag-iisyu ng entry visas,” pahayag pa ni Binay.

Gayunpaman, nanawagan pa rin ang Presidential Adviser for OFW Concerns sa mga kababayan na maging mapagmatyag laban sa mga sindikato sa huiman trafficking at illegal recruitment na patuloy na nambibiktima ng mga Pinoy worker patungong Syria.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply