Taal Lake binabantayan sa fish kill

BATANGAS – Nanawagan ngayon ang Department of Agriculture at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa mga fish cage farmer sa Taal Lake na kumilos upang mapaghandaan ang posibleng muling pagkakaroon ng fish kill ngayong tag-araw.

Ayon kay BFAR director Atty. Asis G. Perez, kung kayang anihin ng maaga ang mga isda ay gawin na nila habang kaya pa ng lawa at wala pang namamatay na isda.

Aniya, kapag tag-araw ay posible ang pagdumi nito, pagkakaroon ng sulfur, pagbaba ng dissolved oxygen at pagdami ng fish parasite.

Inatasan naman ni Agriculture Secretary Proceso G. Alcala ang buong departamento na maging aktibo sa paghahanda sakaling magkaroong muli ng fish kill.

Prayoridad umano ng DA na masuportahan ang pangangailangan ng mga Filipino upang hindi na mag-import ng isda ang Pinas.

Hiningi na rin niya ang tulong ng mga miyembro ng Taal Lake Aquaculture Alliance, Inc. na sila na mismo ang magbawal sa kanilang mga sarili na mag-alaga ng higit sa dapat na kapasidad ng lawa.

Matatandaang noong Hunyo 2011, nagkaroon ng fish kill sa Taal Lake na ikinalugi ng mga fish farmer ng umabot sa P148.5 milyon o mahigit sa 2,000 toneladang isda.

Sa ngayon, hinihigpitan na ng BFAR ang pagbabantay upang hindi na maulit ang nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply