Taas sahod, muling iginiit

HINDI pa rin nawawalan ng pag-asa ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) kahit ibinasura ang hinihingi nilang P90 na wage increase.

Kung hindi umano sila mapagbibigyan sa unang kahilingan, marahil ay pagbibigyan ng wage board ang dagdag na P86 sa minimum pay sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (Calabarzon) upang makaagapay sa P809 gastusin ng isang pamilya kada araw.

Ang kasalukuyang minimum pay sa Calabarzon ay P337.

Kung aaprubahan ang kanilang petisyon, ang magiging minimum pay sa nasabing rehiyon ay aabot sa P423.

Ayon kay TUCP president Atty. Democrito “Kito” Mendoza, isang taon na nilang naisampa ang nasabing petisyon.

Ngayon umano ay wala nang maidadahilan ang wage board upang hindi sila pagbigyan dahil sunud-sunod ang pagtaas ng presyo ng langis at mga pangunahing bilihin.

Matatawag umanong supervening series of events ang patuloy na pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin na nag-ugat sa pagtaas ng presyo ng gasoline, diesel, LPG, automatic adjustments sa kuryente at iba pang utilities.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply