Taas-singil sa kuryente minimal lang – ERC

AGAD pinawi ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pangamba ng mga consumer sa inaprubahang dagdag singil sa generation charges ng state-owned power facilities na National Power Corporation.

Ani ERC Executive Dir. Francis Saturnino Juan, minimal lamang ang magiging epekto ng taas-singil.

Inihalimbawa nito ang kaso ng Manila Electric Company (Meralco) na nasa 40 porsyento lamang ang kinukuhang energy supply mula sa Napocor kung kaya mababa rin ang inaasahang taas sa distribution utility sa kanilang mga kostumer.

Una rito, ipinaliwanag ni Juan na naaayon sa umiiral na generation rate-adjustment mechanism ang isinulong ng Napocor para mabawi ang kanilang pagkakalugi na dulot ng fuel, purchase power at foreign currency costs na aniya’y matagal nang pinasan ng power facility alang-alang sa kanilang mga kostumer.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply