Tag-init at bakasyon

MAAGA pa at nagsisimulang tumaas pa lang ang Amang Araw pero mararamdaman na ang hapdi sa balat mula sa tama ng kanyang liwanag.

Senyales ito na simula na ang tag-init o summer season. Sa panahon na ito, vacation break din ng mga mag-aaral sa kanilang eskuwela.

Marso na at tuwing sasapit ang buwan na ito, uso ang  ‘outing’ sa mga resort o ‘di kaya’y pagbisita sa mga kamag-anak sa probinsya.

Kaya nga sa maraming sulok ay nakabalandra na naman ang mga ‘advertisement’ tungkol sa mga resort,  beach at lugar-bakasyunan.

Sa sobra kasing init, sa mga dagat at swimming pool ang takbuhan ng mga mag-aanak na nais magpalamig at magsaya.

Pero, dahil sa sobrang laki ng gastos sa pagpapalamig at pagbo-bonding sa mga resort at beaches, ang  iba’y ‘di makapunta sa mga ito.

Sa hirap nga naman ng buhay, kaya ang iba’y siguradong sa bahay na naghahanda, magpapalamig at  magpapakasaya.

Kung sabagay, ‘di natin kailangan ang swimming pool sa resort o kaya dagat.

Kailangan lamang tayong maging resourceful.

Sa mga department store, napakaraming mga improvised na plastic swimming pool – depende sa nais mong laki o sukat.

Kaya nga lamang, gagastos ka sa tubig dahil kailangan mo itong punuin para magmukhang itong smimming pool.

Marami pang paraan para sa darating na tag-init ay ma-enjoy mo ang panahon ng bakasyon na ‘di gagana ang kaliitan ng budget.

PROBLEMA SA TRAPIKO NAKAAMBA

Maiinit na ang panahon, sasabayan pa ng init ng ulo. Yan ang ‘di dapat mangyari sa mga motorista dahil sa napipintong problema ng trapiko sa Metro Manila.

Dangan kasi, inanunsyo ng DPWH ang kanilang gagawing repair sa mahigit 20 lugar sa Kamaynilaan simula ngayong linggo.

Nakuh eh, napakalaki na ang problema natin sa trapiko kahit walang construction work sa mga karlsada ngayon eh nagkakaroon pa ng kaliwa’t kanang repair sa mga karsada ng Metro Manila!

Wala naman tayong magawa dahil kailangang ma-repair ang mga sirang kalsada.

Kailangan lang sigurong iwasan na ang mga ‘repair construction site’ para maiwasan natin ang buhol-buhol na trapiko at maiwasan na rin ang init ng ulo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply