Taiwanese national nasalisihan sa restaurant

NANLULUMONG dumulog sa himpilan ng pulisa ang isang Taiwanese national makaraang masalisihan sa loob ng isang restaurant kagabi (Marso 2) sa Pasay City.

Ang biktima na si Huang Yang Hsie Go, 38, turista, ay pansamantalang naninirahan sa Rm. 932 ng Bayview Park sa Roxas Boulevard, Manila.

Ayon sa pahayag ng biktima, kasama niya ang dalawang kaibigang Taiwanese na nagpunta para kumain sa Manukan, isang restaurant na nasa Roxas Boulevard.

Habang kumakain, ipinatong umano niya ang kanyang dalang kulay itim na handbag sa tabi ng kanyang inuupuan at umorder ng hapunan.

Makalipas ang ilan oras matapos kumain at magbayad ng bill, dakong alas-11:30 ng gabi nang sumakay sila ng isang taxi pauwi ng kanilang tinutuluyan nang maalalang nalimutan ang ipinatong na handbag sa pinagkainang restaurant.

Nang balikan, nawawala na ang bag na naglalaman ng kanyang passport, visa, $2,000, credit cards at P20,000.

Sa isinagawang ocular inspection ni SPO1 Valdez sa lugar na pinangyarihan, wala isa man sa mga waiter at empleyado ang magkapagsabi na nakakita sa nawawalang bag ng biktima. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply