Takot nang magmahal si KC Concepcion!`

WALANG selos na nararamdaman si Matteo Guidecilli sa bagong leading men ng girlfriend niyang si Maja Salvador na sina Jason Abalos at Patrick Garcia kumpara sa nangyaring away nila noon ni Coco Martin.

“Wala, trabaho lang yun. Kaibigan ko naman ang mga partners niya, so there’s no problem. Magkakaibigan naman kami.’Yung pinagselosan, ibang rason naman yun. Kung may mga isyu, ibig sabihin, may rason,” aniya.

Kumusta na ang relasyon nila ni Maja?

“Good! Stronger, better, happier… masaya naman,” tugon niya.

Kaarawan ni Matteo nu’ng Lunes. Nag-dinner lang sila sa bahay nila kasama ang mga kaibigan.

Nasa Hawaii na siya ngayon para sa  Star Magic tour 20th Anniversary

Tsuk!

-0o0-

NAKATSIKAHAN namin si Joji Dingcong, manager ni Derek Ramsay kung ano talaga ang plano ng kanyang alaga. Magiging Kapamilya ba siya o magiging kapatid na?

Sinabihan daw niya si Derek na pagdating galing ng Hawaii ay ibibigay na ang kasagutan nito dahil hinihintay na. Ire-renew ba niya ang kontrata sa ABS-CBN 2 o tatanggapin ang alok ng TV5?

Basta ang maipagkakapuri lang daw niya kay Derek ay may loyalty ito. 2002 pa raw niya ito inalagaan at nagsimula sa modeling pero hindi siya iniwan bilang manager kahit wala silang kontrata. Six years na ngayon sa showbiz ang hunk actor pero nananatili pa rin ang loyalty niya sa kanyang manager.

‘Yun na!

-0o0-

MUNDO ng musika naman ngayon ang pagtutuunan ng pansin ng Philippine Movie Press Club, Inc., (PMPC) after ng pagbibigay ng awards para sa pelikula nu’ng March 14.

Ang pagre-review para sa 4th PMPC Star Awards for Music ay mag-uumpisa after ng Holy Week.

Para sa mga gustong magpa-review ng CD/album, open sa lahat ng mga recording company at maging sa mga independent producer na nag-release nu’ng June 1, 2011 hanggang May 31, 2012. Ipadala sa PMPC office Rm. 202 Deta Bldg., 76 Roces Avenue, Q.C. Maaari ring tumawag sa 4065251.

Samantala, abala rin ang club sa pag-oorganisa ng fund-raising show na gaganapin sa May 5, sa Zirkoh Morato, Quezon City kung saan ay binabalak na isabay ang launching ng PMPC website na gawa ni Jojo Villaraza, research correspondent ng US company.

Magkakaroon din ng seminar ang mga opisyales at miyembro sa April 28 para sa amendment ng constitution ng club.

May pa-contest din ang PMPC para sa mga manunulat. Naisagawa na ang writing contest na ito ng organisasyon, kaya lang ay panandaliang natigil.

Sa mga PMPC members na gustong sumali, ang deadline ng writing contest ay sa October. Magkakaroon din ng on-the-spot writing contest ang PMPC na kung saan ay isang personalidad ang sabay-sabay na iinterbyuhin.

Talbog!

-0o0-

Ready na ba si KC Concepcion na magmahal ulit pagkatapos ng break-up nila ni Piolo Pascual?

UMAMIN kamakailan ang International singer na si Jules Knight ng British classical vocal quartet “Blake” na malaki ang paghanga niya kay KC. Kung mabibigyan nga siya ng chance ay gusto niyang makasama sa trabaho ito para makilala niya nang husto.

Nagpasalamat naman ang magandang aktres sa admiration sa kanya ng nasabing British singer. Niyayaya nga nitong mag-date sila at mag-dinner pero ang sagot ni KC “For my ASAP Kapamilyas, maybe if we have time, maybe.”

Sa ngayon focus muna daw siya sa kanyang mga trabaho, lalo na’t malapit nang ipalabas ang kanyang show na “X-Factor” sa ABS-CBN 2.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply