Talamak na cigarette smuggling lalala pa

PINABULAANAN ng ilang cigarette manufacturers ang kumpirmasyon ng ilang opisyal ng gobyerno na walang magaganap na pagpupuslit ng sigarilyo sa sandaling ipatupad ang unitary excise tax rate sa tabako at alak.

Binigyang diin ni Blake Clinton Dy, Vice President ng Associated Anglo-American Tobacco Corporation na matagal nang nagaganap ang pagpupuslit ng sigarilyo sa bansa lalo na sa Kamindanawan.

Naunang ipinahayag ni Finance Secretary Cesar Purisima na imposible nang maganap ang smuggling sa sigarilyo sa ilalim ng unitary excise tax rate.

Ang bagong buwis na ito ay nakapaloob sa Abayan Bill na nagsusulong na maitaas ng hanggang P30 ang buwis ng bawat pakete ng sigarilyo, kilala man o hindi ang brand sa merkado.

Sa pinakahuling pagdinig ng House Committee on Ways and Means ukol sa excise taxes, ipinakita ni Dy ang mga katunayan ng mga ipinuslit na sigarilyong imported sa bansa na kanya pang isinumite sa kustodiya ng komite bilang suporta sa pahayag na ang pagpapatupad ng unitary tax system sa produktong tabako ay hindi makapipigil sa mga nagaganap na smuggling.

Giit pa ni Dy na naglipana sa Sulu, Zamboanga at Tawi-Tawi ang mga imported na sigarilyo na pawang puslit mula sa Indonesia , Thailand at Vietnam.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply