Talent Manager kulong sa Camp Crame dahil sa kasong child abuse and kidnapping

LUMAPIT na pala ang well-meaning friends ng isang talent-manager na nakakulong ngayon sa Camp Crame dahil sa kasong Child Abuse and Kidnapping sa PAO Chief na si Persida Acosta para humingi ng tulong pero tinanggihan ito ng bagong talent ng TV5.

Mabigat yata talaga ang kaso para ito tanggihan ng PAO chief.

Pero ang dahilang ibinigay ng mga kaibigan nitong si Doc. Romel Romello na lumapit at humingi ng tulong sa mabait na PAO Chief, may nauna na raw kasing kinuhang abogado itong si Doc. Romel na siyang magtatanggol sa kanya kaya ang payo ni Atty. Persida ay mag-stick na lang ito sa isang lawyer.

Ang balita pang nakarating sa amin, wala na yatang pambayad sa kanyang abogado itong si Doc. Rommel kaya sila lumalapit ngayon sa isang PAO lawyer. Sobrang nakaaawa talaga ang nangyari sa nasabing talent manager.

Kahit ‘yung alaga n’yang si Gerald Santos ay sobrang pasang-awa nang magkwento ito sa mga manonood ng kanyang show last March 10 na ginanap sa Zirkoh, Tomas Morato.

Sa totoo, habang nagsasalita si Gerald sa mga pinagdadaanan nila ng kanyang talent manager ay isa-isa ring  nag-aalisan ang mga manonood ng show kaya tuloy halos naubos na ang mga otaw nang mag-show ang mga Wonder Gays na alaga ni Lito de Guzman.
Sobrang dami pa ng mga tao sa Zirkoh bago sumampa sa entablado itong si Gerald pero bago natapos ang kanyang song number, halos mabibilang mo na sa iyong daliri ang mga natirang manonood.

***

Samantala sobrang nakakalurkey naman pala itong mga taga Empress, the Golden Star Award, particular na ang isang miyembro roon na nagngangalang Rose Garcia.

Sa nabanggit na Award Giving Body kasi nominado sa kategoryang best picture ang mga pelikulang Segunda Mano ni Dingdong Dantes, ‘yung movie ni Gob. ER Ejercito na Manila Kingpin, The Asiong Salonga Story at ang movie ni Aga Muhlach na nakalimutan ko na ang title, kung saan parehong nominado rin ang mga actors na ito sa best-actor category minus Gob. ER.

Ang balita pang nakarating sa amin kung bakit hindi nominado ang Laguna governor sa best actor category, baka mag-react na naman daw kasi ang mga maka-ER Ejercito dahil hindi pa man ginaganap ang award’s night, may winner na agad sila at ito nga ay si Dingdong Dantes raw?

Nakakalurkey di ba?

Siyempre, masama ang loob ng kampo ni Gob. ER particular ang kaibigang Jobert Sucaldito dahil sa hindi naman daw sila umaasang mananalo, ipinagdamot na nila kaagad kahit nominasyon na lang ganung nanghingi pa pala ang mga ito (miyembro ng Empress) kay Gob. ER ng pampagawa ng ad sa kanilang souvenir program.

Ano sa palagay mo, Rose Garcia na sinasabing RRU (what do you mean by that word?  – Ed) ni Dingdong Dantes?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply