Talunang LP candidate, itinalagang presidential assistant for Muslim

ISA na namang talunang senatorial candidate ng Liberal Party (LP) ang uupo sa Aquino administration.

Itinalaga ni Pangulong Aquino ang national chairperson ng LP na si Yasmin Busran-Lao bilang presidential assistant for Muslim na may ranggong undersecretary.

Ani Presidential spokesperson Edwin Lacierda, ang appointment papers ni Lao ay may petsang Marso 15, 2012.

Batay sa kanyang curriculum vitae, nagtrabaho si Lao bilang educator, researcher, development practitioner at advocate sa loob ng dalawa at kalahating dekada.

Nkapag-establisa rin ito ng mga programa, resource centers at service delivery interventions katuwang ang non-government at government institutions at napatunayan na nito ang kanyang kakayahan sa policymakers, government, humanitarian agencies at civil society organizations sa local at global levels.

Si Lao ay chairperson at founding president ng Al Mujadillah Development Foundation Inc, organisasyon na pangkakabaihan na nakabase sa Marawi City.

Si Lao ay miyembro ng  government peace panel na nakikipag-usap sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Si Lao ay pang-apat na talunang LP senatorial bet na itinalaga ng Aquino administration pagkatapos nina Ruffy Biazon, na pinangalanan naman bilang pinuno ng Bureau of Customs; dating Army general Danilo Lim, na itinalaga bilang Customs deputy commissioner for intelligence; at Nereus Acosta, na itinalaga bilang presidential adviser for environmental protection at pinuno ng Laguna Lake Development Authority.

Sinabi ni Lacierda na itinalaga rin ni Pangulong  Aquino si Primitivo Garcia III bilang miyembro ng board of directors of the United Coconut Planters Bank, at Camilo Montenegro bilang miyembro ng Central Board of Assessment Appeals ng Department of Finance.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply