Tanggal 12% EVAT hindi pwede – Malakanyang

MANANATILI ang 12 porsiyento ng expanded value added tax (EVAT) sa presyo ng produktong petrolyo.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na malabong tapyasin ang 12% buwis na nakukuha sa langis at gawing 10% dahil ginagamit ito ng pamahalaan sa kanilang pro-poor programs.

“…the taxes (on oil) are really needed. While the circumstances at that time when it was imposed are different now, we need it to continue to fund our programs,” ang pahayag ni Sec. Lacierda.

Sinalungat naman nito ang kritisismo ng ilang grupo na ang programa ng pamahalaan gaya ng Conditional Cash Transfer ay hinuhugot sa EVAT  ng langis dahil aniya ito ay may sariling pondo mula sa foreign sources.

“On the Conditional Cash Transfer, we just like to state for the record that we have—we are now servicing three million family beneficiaries. Out of the three million family beneficiaries, 900,000 family beneficiaries are funded by the World Bank-ADB (Asian Development Bank) loan. So 2.1 million (family beneficiaries) are funded by our GAA (General Appropriations Act),” ayon kay Sec. Lacierda sabay sabing “But even then, that foreign loan ultimately babayaran rin natin ‘yan eh. So babayaran ng gobyerno ‘yan so talagang pera rin ng pamahalaan ‘yung pambayad doon.”

Sinusugan naman ni Sec. Lacierda ang naging pahayag ni Finance Secretary Purisima na hindi kailangan ang EVAT sa langis bilang revenue base ng pamahalaan.

Sa ulat, nais ni Senador Ralph Recto na ibalik na sa 10 percent ang sinisingil na Value Added Tax (VAT) sa ilang bilihin (kasama ang mga produktong petrolyo) na kanyang ipinataas sa 12 percent noong 2004.

Iginiit ng senador na isinulong niya noon ang reformed-VAT dahil kailangan ng karagdagang kita ng naghihingalong ekonomiya ng bansa.

Bagaman naihain na ni Recto sa Senado ang panukalang batas para mabawasan na ang singil sa VAT, kailangan na magkaroon ito ng bersiyon sa Kamara de Representantes, at suporta rin ng Malakanyang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply