Tanggi/bawi kay Jonalyn Viray: Caloy na endorser ng softdrink, president of happiness o liar?

KALUKRING! Naturingan pa namang President of Happiness ng kilalang softdrink commercial itong si Caloy pero ubod pala ng sinungaling ang personalidad na ito. In our recent encounter sa Caloy na ito kasama ang aming BFFT na si Pete A. sa elevator ng ELJ Bldg. ng ABS-CBN, binati namin ang medyo gwaping na host rin ng Studio 23. In fairness, ngumiti naman ito sa amin lalo na nang sabihin namin sa kanya na napanonood namin ang TVC niya na Coke. At dahil may issue sa kanila ng member ng grupong La Diva na si Jonalyn Viray, inurirat namin ito kung totoong naging sila nga ni Jonalyn. Super deny ito saba’y sabing hindi siya ang tinutukoy namin. At ang nakalolokah, hindi raw niya kilala ang GMA talent.

So, deadma na lang kami dahil ano bang paki namin kung naging sila nga o hindi ng tsakang singer? Pero ang ikinaimbiyerna namin sa Caloy na ito ay nagpa-interview siya sa co-writer naming si John Fontanilla at lumabas ang statement niya sa kolum nito sa X Files kung saan inamin nitong nagkaroon nga sila ng relasyon ni Jonalyn pero last year pa ito at hiwalay na sila ng singer. So, inconsistent siya. Ganon?

Aba’y dapat hindi president of happiness ang dapat ibansag sa kanya kundi president of liar.

Naku! bad ito sa katulad niyang naturingang endorser pa naman ng produktong pinakamabentang softdrink sa Pinas. Am I correct gyud?

o0o

Bro. Arman Cuban may bagong shocking hula

TAMA ang hula ni Bro. Arman Cuban na unti-unti nang mawawala ang mga show ni Manang Cristy Fermin sa TV5. Nauna nang natsugi ang Star True Confessions nito na pinalitan ng Real Confessions pero wala pa ring nangyari at natigbak din sa ere. Say pa ni Bro. Arman, isa pa sa programa ni Manang Cristy na nanganganib na matigok ngayong taon ay ang Juicy na matagal nang hindi nag-i-exist sa televiewers ng Kapatid Network. Posible ring matanggal ang osla at orocang TV host sa Paparazzi na ilang ulit na ring nagpalit ng timeslot at ngayon nga ay binawasan pa ng oras ng management.

Nararamdaman rin ng psychic na makukumbinsi ni Manny Pangilinan na magtrabaho sa kanila ang nagretiro na sa GMA7 na si Wilma Galvante. Marami pa raw mangyayaring pagbabago sa istasyong ito at ‘yung posisyon ni Perci Intalan na in-charge sa lahat ng programa nang TV5 ay maaalis sa kanya pero hindi naman siya tatanggalin. Kalagitnaan naman ng taong 2012 ay muling mahaharap naman si Willie Revillame sa malaking kontrobersiya.

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang vibes ni Bro. Arman na magkakabalikan sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho. Ramdam din niya na magkakabati ang magtiyahing Sharon Cuneta at Helen Gamboa at si KC Concepcion, tuloy ang young singer-actress sa pagpapa-sexy nito sa big screen. At panghuli, may young actor na masasangkot sa isang vehicular accident at taga-Kapuso raw ito. Para naman sa mga gustong magpahula, feng shui at nais magkamit ng lucky magic charm maaari n’yong tawagan si Bro. Arman sa CP number: 0905-3328446.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply