Tanker sumalpok sa concrete barrier: 3 sugatan

SUMALPOK ang isang tanker sa concrete barrier makaraang mawalan ng preno habang pababa ng Pasig Boulevard.

Dahil dito, nadamay din ang isang taxi matapos itong tamaan ng tumalsik na concrete barrier na ikinasugat ng taxi driver na si Roberto Garcero at dalawa nitong pasahero.

Ayon sa driver ng tanker, ibinangga na lamang niya ang kaniyang minamanego sa concrete barrier nang mawalan siya ng kontrol sa preno.

Humingi naman ng tulong ang driver ng tanker upang mabigyan ng agarang tulong ang mga nasaktan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply