Tapyas retirement sa pulis, bombero itinanggi

PINASINUNGALINGAN ni Senator Loren Legarda ang kumakalat na balita kaugnay sa

isinusulong niya sa Kongreso na pagtatapyas sa retirement at iba pang benepisyong tinatanggap ng kapulisan at bumbero.

Sa kanyangg pagsasalita kanina sa punong tanggapan ng National Police Commission (Napolcom) sa Makati City, bilang panauhin sa pagdiriwang ng 2012 International Women’s Day Celebration, sinabi ni Legarda sa harap ng mga dumalong tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) na huwag paniwalaan ang ulat na isinusulong niya ang pagtatapyas sa kanilang mga tatanggaping retirement benefits at iba pang benepisyo.

Isa aniyang “black propaganda” na posibleng ipinakakalat ng grupong humahadlang sa kanyang isinusulong na adhikaing pangangalaga sa kalikasan ang naturang ulat kaya hindi ito dapat paniwalaan ng kapulisan.

Sa katunayan aniya, nag-akda pa nga siya ng batas na magbibigay ng karagdagang benepisyo, hindi lamang sa mga kagawad ng PNP at BFP kundi maging sa mga miyembro ng militar at tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Nangako rin si Legarda na magkakaloob siya ng P20,000 cash bilang karagdagang salapi na ipamamahagi ng Napolcom sa mga mapipiling katangi-tanging kababaihang pulis sa buong kapuluan.

Napili ni Napolcom Vice Chairman at Executive Officer Eduardo Escueta na imbitahan bilang panauhing tagapagsalita si Legarda dahil may kaugnayan sa Climate Change ang tema ng Women’s Month Celebration kung saan tumatayo bilang Chairman ng Senate Committee on Climate Change ang senadora.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply