Tatlo natusta sa sunog sa Cebu

HINDI na makilala ang bangkay ng tatlong tao na nalitson nang buhay sa loob ng nasusunog nilang bahay sa lalawigan ng Cebu, kainang umaga.

Base sa report na ibinahagi ni PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz Jr., naganap ang sunog bandang alas-9:58 ng umaga sa isang residential area sa  Barangay Pardo, Cebu City.

Kinilala ang mga namatay na sina Ester Abello, 60 at asawa ng media man; Rosalie Tagacanao, 30 at 12-anyos na binatilyo na kinilalang si Rap Dolalia.

Apat na katao rin ang isinugod sa pagamutan matapos magtamo ng sugat na kinabibilangan ng dalawang bata.

Sinasabing nagsimula ang apoy sa isang bahay sa Upper Lusimba, Pardo subalit hindi naman alam ang pinagmulan ng apoy na tumupok sa ilang straktura.

Nabatid pa sa Bureau of Fire Protection na ito ay ika-anim na insidente ng sunog sa lalawigan ng Cebu mula ng pumasok ang Marso o ang Fire Prevention Month.

Magugunitang kahapon (Biyernes, Marso 9) ay humigit kumulang sa 150 bahay ang natupok at may 457 pamilya o 2,170 katao ang nawalan ng tirahan nang sumiklab ang sunog sa Barangay Suba, Cebu City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply