Taxi driver hinoldap, binoga sa bunganga

NASA kritikal ngayon ang isang taxi driver makaraang barilin sa bunganga nang manlaban sa tatlong holdaper kagabi (Marso 7) sa Pasay City.

Ang biktima na kinilalang si William Urgel, 54, residente ng Bacoor, Cavite ay inoobserbahan sa San Juan de Dios Hospital bunga ng tama ng bala sa bunganga na tumagos sa batok.

Batay sa imbestigasyon ni SPO2 Rodolfo Suquiña ng Pasay City Police Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS), ang insidente ay naganap dakong 10:00 ng gabi sa BAC-1-11 ng naturang lungsod.

Nauna rito dakong 9:00 ng gabi naisakakay niya ang tatlong ‘di kilalang pasahero sa kanyang minamanehong kulay puting Nissan na may plakang TYP-284 sa bahagi ng CAA, Las Piñas City at nagpahatid sa lungsod ng Pasay.

Pagsapit sa BAC-1-11, tinutukan ang driver ng baril habang puwersahang kinukuha ng dalawang suspek ang kanyang P1,000 kinita sa pamamasada.

Nanlaban ang biktima kaya isinubo ng suspek ang baril sa biktima at pinaputok sa bunganga.

Ang mga suspek ay tumakas dala ang salaping kinita ng biktima pati na ang baril na ginamit. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply