Taxi driver napagkamalang holdaper, kinuyog ng taumbayan

KINUYOG ng taumbayan ang isang taxi driver makaraang mapagkamalang holdaper sa may Road 10, Maynila kaninang madaling araw, Marso 23.

Base sa pahayag ng taxi driver na si Rolando Catalobo, hinoldap siya ng dalawang suspek sa kanto ng Herbosa at Road 10 at nilimas ang kanyang kinita na P1,500.

Kaagad naman siyang nakahingi ng tulong sa isang pulis na humabol sa mga suspek at nadampot naman ng mga rumespunde ang isa sa mga suspek na positibong itinuro ng biktima.

Ngunit habang hinahanap ng pulis ang isa pang suspek, biglang sumigaw ng tulong ang naarestong suspek kaya’t naglabasan ang mga tao at kinuyog ang biktimang taxi driver sa pag-aakalang ito ang holdaper.

Nakita ito ng pulis at agad na bumunot ng baril kaya’t nagpulasan ang taumbayan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply