Taxi fare increase no way- LTFRB

HINDI pagbibigyan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng Philippine National Taxi Operators Association (PNTOA).

Ayon kay LTFRB Board Member Atty. Manuel Iway, wala pa silang natatanggap na pormal na petisyon kaya hindi pa nila ito pinag-iisipan man lamang.

Matatandaang nagpahayag ng pagkabahala ang presidente ng PNTOA na si Bong Suntay.

Aniya dapat dagdagan ang pasahe ng mga taxi dahil halos wala na umanong kinikita ang mga driver nito.

Ngunit sinabi ni Iway na wala pa silang natatanggap na abiso o dokumento mula sa nasabing grupo.

Nalaman lamang umano nila ito sa media kaya hindi sila maaaring umaksyon.

Sa mga unang ulat, hiling umano ng mga taxi driver at operators na dagdagan ng P10 ang flag down rate, mula sa dating P40.

Bukod sa P50 na flag down, nais din nila ang karagdagang P4.50 mula sa dating P3.50 para sa susunod na 300 metrong biyahe.

Ani Iway, kung sakaling pormal na maghain ng petisyon ang grupo, matatagalan pa bago ito maaprubahan.

Dadaan pa aniya ang petisyon sa public hearing at deliberasyon ng LTFRB.

Para naman kay Arman Tuazon ng Quezon City, karaniwang taxi driver, hindi na kailangan pang dagdagan ang pasahe sa taxi dahil sila rin ang mahihirapan.

Sa hirap umano ng buhay ngayon ay baka hindi na sumakay sa taxi ang mga tao liban na lamang kung sobrang nagmamadali.

Napakarami umano ngayong murang transportasyon tulad ng FX taxi at air-conditioned bus na kalaban nila sa mga pasaherong ayaw mainitan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply