Taylor Kitsch walang record na dumating sa PHL

WALANG record na dumating sa Pilipinas ang Canadian actor na si Taylor Kitsch, taliwas sa sinabi nitong namaltrato siya ng isang customs officer nang dumating ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kamakailan.

Ito ang pahayag ng Bureau of Immigration (BI) makaraang mag-imbestiga ang ahensiya sa kanilang computer database kung mayroong pasaherong nagngangalang Kitsch Taylor na nasa bansa.

Ayon kay Atty. Antonette Mangrobang, BI spokesperson, walang pangalang lumabas sa kanilang database at walang record na nabigyan ng working visa o alien certificate of registration-identity card na inisyu sa isang Canadian na may pangalang Taylor Kitsch.

“We also checked the flight manifests of all airlines from Japan to Manila and it all yielded negative results,” ani Mangrobang.

Aniya, maging si BI Commissioner Ricardo David, Jr. ay nagpaimbestiga na rin upang madetermina kung talagang dumating ang naturang actor at namaltrato ng immigration officers sa NAIA.

“We will also extract the footages from closed circuit television cameras at the airport to check if indeed he arrived and was processed in our immigration counters,” dugtong pa ni Mangrobang.

Sa isang interview sa show ni David Letterman noong Marso 1 , naibulalas ni Kitsch nang dumating ito sa Pilipinas, isang customs officer ang nagsabing bumalik na lang siya sa Japan dahil wala raw espasyo para sa pagtatak ng bagong stamp sa kanyang pasaporte.

Pero sa kalaunan ng kanilang pagdidebate, pinayagan din daw siya ng officer na makapasok sa bansa. Benjie Vergara

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply