Telcom manager nalunod sa Batangas

WALA nang buhay nang lumutang ang 32-anyos na sales manager ng Globe Telecom Inc. matapos malunod habang nagsu-scuba diving sa Mabini, Batangas.

Kinilala ang biktimang si Myla Rose Cruz, ng 4-A Ponte Salcedo, Valero St., Makati City.

Nabatid na nagbakasyon ang biktima kasama ang nobyo sa Koala Dive Site sa Barangay Bagalangit at nagkayayaang mag-scuba diving ngunit hindi na lumutang ang biktima.

Nakita na lamang na palutang-lutang ang bangkay ni Cruz ilang metro mula sa baybayin ng resort.

Hindi naman inaalis ng pulisya ang anggulong foul play sa insidente.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply