Temperatura sa Baguio patuloy sa pagsadsad

PATULOY pa rin ang pagbulusok ng temperatura sa Baguio City dahil sa kalagitnaan ng panahon ng tag-init.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), bumaba pa sa 10.8 degrees Celsius ang temperatura sa Baguio na sinasabing ikalawang pinakamababang temperatura na naitala sa taong ito.

Ayon pa sa PAGASA, ang pag-lamig sa lungsod ay sanhi ng tail-end of cold front.

Patuloy namang dumadagsa ang mga turista sa Baguio para roon gunitain ang Semana Santa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply