Tensyon sa Taguig

NITONG mga nagdaang araw, nabalot ng tensyon ang lungsod  ng Taguig dahil sa isang kautusan na nagmula sa Commission on Elections.

Ipinag-utos kasi ni Commissioner Sixto Brillantes ang  pagkuha ng mga PCOS machine upang muling mabilang ang mga boto sa lungsod.

Ang nasabing kautusan ay nag-ugat sa protestang inihain ng kampo ni dating Associate Justice Dante Tinga na nakatunggali ni Mayor Lani Cayetano sa pagka-alkalde.

Naging abogado ng mga Tinga si Comm. Brillantes sa election protest, kung kaya hindi natin maiaalis ang mga kuro-kuro ng mga malilikot ang isip na may kaugnayan ang kautusan ng Comelec sa mga pangyayari sa Taguig nitong mga nagdaang araw.

Ayaw naman nating isipin na ito ay isang ‘Lutong Macao’ dahil sa kaugnayan ng mga Tinga kay Comm. Brillantes.

Sigaw ng mga Tinga, “dinaya” raw sila, e di ba kayo ang nasa poder nun?

Parang ‘di maarok ng aking kukote na tila ang mga Tinga pa ang nadaya, samantalang nasa kanilang kontrol ang halos lahat ng makinarya ng lokal na pamahalaan ng Taguig noong mga panahon na iyon.

Pansamantalang humupa ang nangyayaring ligalig sa Taguig dahil na rin sa pakiusap ni Mayor Lani Cayetano na maging mahinahon.

Dahil, ayaw niya sa kaguluhan at karahasan, kuwento ng isang taga-city hall na sumusubaybay sa nangyayaring kaguluhan.

Kung ako naman ang mga Tinga, aba’y tanggapin n’yo na ang inyong pagkatalo tutal halos ilang buwan na lang halalan na naman.

Sana alisin na natin yung paniniwalang ‘walang natatalong pulitiko sa bansang Pilipinas’.

Dito kasi sa bansa natin, parang natural na lang ang kasabihan na kapag nanalo nandaya, kapag naman natalo dinaya.

Noong mga nagdaang panahon siguro maaaring totoo pa ang kasabihang ‘yan.

Pero ngayon mukhang ‘di yan ang landas na dapat nating tahakin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply