Testigo ni CJ Corona, walang silbi – Prosec

BINATIKOS ng House prosecution panel ang huling testigo ni Chief Justice Renato Corona dahil hindi nito napatunayan na hindi pag-aari ng The Columns unit, bagkus pinatibay pa ang alegasyon na hindi naideklara sa kanyang Statement of Assets and Liabilities Net Worth.

“I think he is not competent enough to tell the facts surrounding the acquisition of The Columns by the Coronas. But, he established that the Coronas is the real owner of the unit,” ayon kay Marikina Rep. Federico Quimbo kanina matapos ang impeachment trial.

Sinabi naman ni Aurora Rep. Sonny Angara na pinakamahalagang nasambit ni Benz Lim, building administrator ng The Columns na pag-aari ng mag-asawang Corona ang Unit 31-B dahil sila mismo ang nagbabayad ng association dues sa kompanya.

Sinabi ni Lim sa impeachment court na si Corona ang lumagda sa contract to sell noong 2003 at naibigay sa mag-asawa ang titulo nitong Nobyembre 3, 2004 at nagsimula na silang magbayad ng associations dues.

“Whether the contract to sell was signed in 2003, and the unit was paid on 2004, Corona has the obligation to enter this property to his SALN,” dagdag paliwanag naman ni Quezon Rep. Erin Tanada

Sinabi pa ni Tanada na kung nakagawa ng honest omission si Corona sa hindi pagdedeklarra ng naturang ari-arian sa kanyang SALN matapos matanggap ang titulo, dapat ideneklara naman niya sa kanyang SALN ang perang ginamit bilang pambili ng naturang unit.

“Iyong titulo nasa kanila as early as November 2004, dapat naideklara ito sa SALN. At kung sasabihin naman nila na hindi ideklara dahil nagkaroon ng problema, dapat ideklara nila ang perang ginamit sa pambili ng unit sa kanyang SALN,” giit naman ni Quimbo.

“Kung papayagan natin ang in good faith ang ommission, balewala ang intensiyon ng SALN,” ani Quimbo.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply