Testimonya, ebidensiya sa ibinasurang articles of impeachment hindi na tatangapin

IGINIIT ni Senate president at presiding officer Juan Ponce Enrile na hindi na tatanggapin ng impeachment court ang ano mang testimonya at ebidensiya na may kinalaman sa ibinasurang articles of impeachment.

Ito ang naging paalala ni Enrile sa pagsisimula ng pagpiprisinta ng depensa sa kanilang mga testigo at ebidensiya.

Nauna rito, ibinasura ng korte ang hiling ng kampo ng depensa na pagbotohan ng senador-judges ang hindi natalakay na articles of impeachment bago umusad ang proseso para sa formal presentation of evidence ng panig ni Chief Justice Renato Corona.

Subalit, bago sumalang ang kanilang testigo, humingi ng ilang paglilinaw si lead defense counsel at dating Justice Serafin Cuevas ukol sa naging botohan ng mga senator-judge na karamihan sa kanilang mosyon ay ibinasura ng impeachment court.

Dahilan ito para magbigay ng paliwanag ang magkaibang legal idea nina Cuevas at Senadora Miriam Defensor-Santiago hinggil sa pagsasagawa ng pre-trial sa impeachment case.

Gayunpaman, nanindigan si Enrile sa naging ruling ng impeachment court.

Kaugnay rin nito, pinaalala rin ni Enrile na maghinay-hinay ang mga kapwa niya mambabatas sa kanilang clarificatory questions sakaling sumalang si Corona sa witness stand.

Aniya, hindi niya papayagang bastusin ang Punong Mahistrado dahil kahit ito ay nasasakdal ay ito pa rin ang pinuno ng Hudikatura na co-equal branch ng lehislatura at Ehekutibo.

Kasunod ng pagtiyak ni Enrile na magbibitiw siya sa pwesto bilang presiding officer ng impeachment court sa sandaling suwayin ang kanyang kautusan.

Binigyang diin nito na kapag may bumastos kay Corona ay kanyang sasawayin dahil para na ring binastos ang Saligang Batas.

Binigyang diin ni Enrile na maging ang prosecution panel ay kanyang pagsasabihan kung sa palagay niya ay kanila nang binabastos si Corona sa cross examination.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply