Testimonya ni Tiangco inalmahan ng M’cañang

PINALAGAN ng Malakanyang ang pahayag ni Navotas Rep. Toby Tiangco na ginamit ng administrasyon ang  kanilang ‘pork barrel’ para pilitin silang suportahan ang impeachment complaint laban kay Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, walang kinalaman si Pangulong Aquino sa sinasabing ‘pork barrel’ ni Tiangco.

Sa naging testimonya ng mambabatas, sinabi nito na ipinag-utos ni Pangulong Aquino na ipitin ang kanyang ‘pork barrel’ na kilala rin bilang priority development assistance fund (PDAF).

Nauna namang umamin si Tiangco na bagama’t hindi ito pumirma sa impeachment complaint, nakatanggap pa rin siya ng ‘pork barrel.’

“Wala pong kinalaman si Pangulong Aquino sa usapin ng PDAF ni Cong. Tiangco. Inamin na rin po ni Cong. Tiangco na di siya pumirma sa impeachment complaint pero nakuha niya ang PDAF niya,” ayon kay Usec. Valte.

Mariing pinasinungalingan din ni Abad ang naging patutsada ni Tiangco na na-delay ang pagpapalabas ng kanyang pork barrel dahil sa hindi niya pagpirma sa impeachment complaint noon laban kay dating Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Maliwanag anilang ginagamit lamang ng depensa si Tiangco para maantala ang impeachment proceedings at hindi rin niya maintindihan kung ano ang inirereklamo ng nasabing mambabatas.

Sinabi nito na anumang oras ay kaya niyang ilabas kung kailan natanggap ng Navotas solon ang kanyang special allotment release order (SARO).

Kumbinsido  si Abad na ang testimonya ni Tiangco ay wala namang direktang kinalaman sa kaso ni Chief Justice Corona.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply