Tibo kinalasan ng GF, tigok sa silver cleaner

SINASABING hiniwalayan ng girlfriend ang isang 17-anyos na tibo kaya nagpatiwakal ito sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaner sa Tondo, Maynila kagabi (Marso 22).

Naisugod pa sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktima na si Charmaine Elvira Villarba, residente ng Aguila St. at stay-in worker sa 1890 Conchita St, sa Tondo, ngunit matapos ang ilang oras ay binawian din ng buhay.

Sa imbestigasyon ni PO3 Bernardo Cayabyab ng Manila Police-Homicide Section, dakong alas-11:00 kagabi nang maganap ang insidente.

Bago ito, nagkaroon muna ng pagtatalo ang biktima at sinasabing girlfriend nito na si Maricar Angola Gaston, 19, hanggang sa mauwi sa kanilang hiwalayan.

Matapos ang kanilang pagtatalo, nagtungo ang biktima sa isang kuwarto sa naturang bahay at dito na uminom ng siler cleaner.

Isang bata naman ang nakakita sa pangyayari kaya agad nitong ipinagbigay-alam kay Maricar at dali-dali nitong isinugod sa nasabing pagamutan ang biktima ngunit binawian din ng buhay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply