Tigers pinulbos ng Texters

SA muling pagtatagpo ng landas ng dalawang finalist sa 2011-2012 All Filipino Cup ay pinulbos ang runner up na Powerade Tigers ng defending champion Talk N Text Tropang Texters.

Ito ay matapos ang kanilang dikdikang laban na nauwi sa 111-97, pabor sa Texters, ginanap sa Smart Araneta Coliseum kanina.

Bumulusok man ang Tropang Texters sa 4th quarter ng laro dahil sa outside shooting at teamwork ay tumaas naman ang field goal percentage nila na pumalo sa 38 porsyento dahilan para manatili sa unang puwesto.

Ang Talk N Text ay may 5 panalo at 1 talo pa lamang habang ang Tigers ay bumagsak sa ika-3 tatlong puwesto sa team standing.

Gumawa ng conference high si Jared Dillinger na may 28 puntos.

Samantala, tumuntong naman sa ika-5 puwesto ang Alaska Aces, matapos maungusan ang Petron Blaze Boosters 93-88.

Tumulong sa Aces si Bon Bon Custodio na may 17 puntos, 5 assist at 8/14 na field goal percentage.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply