Tigil-pasada pa ng Piston dedma sa Malakanyang

PATAY-MALISYA lang ang Malakanyang sa panibagong banta na transport strike ng grupong PISTON matapos pumalpak ang kanilang “transport caravan” kahapon.

Ani Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, hihintayin na lang nila kung ano talaga ang plano ng PISTON at ng grupong sasama sa panibagong banta para sa “transport caravan.”

Tiniyak din ng Malakanyang na hindi sila natatakot sa panibagong banta ng transport strike dahil kapag may ganito anilang pagbabanta ay handa ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na tugunan ang pangangailangan ng mga mananakay.

Nauna rito, pinasalamatan ng Malakanyang ang Pasang Masda, FEJODAP, ACTO, Cebu Integrated Transport Services Cooperative (Citrasco) at iba pang transport groups na  hindi sumali sa tinatawag na “transport caravan” ng ilang panig kamakalawa.

Pinasalamatan din ng Malakanyang ang MMDA sa maagang paghahanda nito upang mabawasan ang perwisyo sa mga mananakay na nais lamang makarating nang matiwasay sa kanilang patutunguhan.

Tiniyak ng opisyal na makakaasa ang mga mananakay at transport unions na patuloy nilang isasagawa ang mga hakbang na napagkasunduan sa mga dayalogo noong nakaraang taon.

Matatandaang binatikos ng Malakanyang ang paggamit ng grupong PISTON sa transport strike para maisakatuparan ang kanilang political propaganda.

Nakapagtataka anila na wala namang petition ang Piston sa LTFRB para itaas ang singil sa pamasahe subalit nangunguna ang grupo sa pag-iingay sa kalsada.

Nabatid na sa naging pulong noon sa Malakanyang ay usapin sa kotong at hindi presyo ng langis ang inireklamo ng grupo ni George San Mateo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply