Tips para maiwasan ang heat stroke

MASARAP magliw-aliw ngayong summer kahit pa sobrang init ng panahon.

Siyempre dahil bakasyon, lahat ay nais na mag-malling, mag-outing at maglamyerda sa iba’t ibang pasyalan sa inyong lugar at tourist spots sa bansa.

Bukod pa sa pamamasyal, kadikit din ng summer season ang iba’t ibang physical activities na maaaring ma-enjoy ng buong pamilya.

Mayroong iba’t ibang workshop gaya ng dancing at acting na involve ang pisikal na lakas ng isang tao.

Andyan din ang swimming, wall climbing at iba’t ibang uri ng sports gaya ng basketball, football, volleyball at marami pang iba.

Pero maaari tayong makaranas ng iba’t ibang sakit o karamdaman na dulot ng mainit na panahon, isa na rito ang heat stroke.

Dapat na doble ingat ang bawat isa sa atin sa banta ng sakit na ito para it’s more fun ngayong tag-araw.

Heat stroke

Ang heat stroke ay isang medical emergency at maaari itong maging fatal kapag hindi na-handle ng maayos o kaya naman ay hindi naagapan.

Tumataas ang body temperature ng isang taong nakararanas ng sakit na ito.

Ang mga bata, matanda at mga atleta o iyong mga tao na mayroong mabigat na gawaing pisikal ang may mataas na tsansa na ma-heat stroke.

Sintomas ng heat stroke:
nausea
vomiting
fatigue
weakness
headache
muscle cramps and aches
dizziness

Mayroong mga tao na maaaring makaranas ng agarang sintomas ng heat stroke na walang warning. Nakatatakot ito kaya dapat itong maiwasan.

Ayon sa eksperto, ang mga tao ay maaaring may iba’t ibang sintomas at senyales ng heat stroke.

Batay sa kanilang pag-aaral ang common signs and symptoms ng heat stroke ay ang mga sumusunod:

Mataas na temperatura ng katawan
Hindi pinagpapawisan na may kasamang hot red o flushed dry skin
Mabilis na pulso
Hirap sa paghinga
Kakaibang behavior
Hallucinations
Confusion
Agitation
Disorientation
Seizure, and/or
Coma

Pag-iwas sa heat stroke

Iwasan ang mga mabibigat na aktibidad. Siguraduhing kaya ang ginagawang aktibidad.

Laging uminom ng tubig at iba pang fluids. Kung lagpas ng walong baso ay higit na mabuti.

Iwasang magsuot ng mga damit na masisikip. Isuot ang mga maluluwag at komportableng damit lalo na kung lalabas at mag-i-stay sa arawan.

Iwasan ang mga masyadong masisikip at matataong lugar.

Bumisita rin sa inyong doktor para mapayuhan ng tama ukol sa heat stroke.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply