Tips para maiwasang magkasunog

KALIWA’T kanang sunog ang nagaganap sa bansa.

Milyun-milyong ari-arian na ang naabo, at marami na rin ang namatay kabilang na ang mga walang muwang na bata dahil sa sunog.

Ngayong mainit ang panahon dahil summer, ay talagang kabilaan ang sunog.

Maiiwasan ang sunog kung magiging alerto at maingat tayo.

Narito ang ilang tips:

1. Laging tiyakin nakapatay at naka-unplugged ang appliances gaya ng TV, radyo, electric fan, plantsa, rice cooker at iba pa, kapag aalis ng bahay o kapag hindi naman ginagamit.

2. Ilayo o itago ang mga posporo upang maiwasan na hindi ito maabot at mapaglaruan ng mga bata.

3. Kapag walang kuryente o brownout at gagamit ng kandila ay siguraduhing hindi ito malapit sa papel o tela na madaling masunog. Pwedeng aksidenteng matumba ang kandila at tiyak na  madaling masunog ang papel at tela kapag nadilaan ng apoy.

Mabuting ilagay ang kandila sa malapit sa may lababo o malapit sa tubig. Huwag na huwag tulugan ang nakasinding kandila.

4. Mas mabuting gumamit ng emergency light o flashlight na hindi naman ganoon kamahal kung bibili.

5. I-check ang connections. Inspeksyunin ang sockets at kordon ng mga gamit. Kung may sira palitan ito o ipaayos.

6. Bago matulog ay laging i-tsek kung nakapatay ang tangke ng gas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply