Tips para makuha ang pangarap na lalaki

IBINABAHAGI ng Asian women ang kanilang mga payo kung paano makukuha ang pinapangarap mong lalaki at kung paano siya mapapaligaya.

Sa loob ng nagdaang mga henerasyon, natutunan ng mga kababaihan mula sa Asya kung paano tratuhin ang isang lalaki, sa pamamagitan nang pagsunod sa mga panuntunan ni Thai philosopher Sunthron Phu sa kanyang aklat na Maxims for Teaching Women.

Nagpasa-pasa na ang kanyang words of wisdom sa mahigit na 2,000 taon at ngayon ay maaring gamitin sa mga kalalakihan ngayong 2012.

Narito ang mga winning recommendation para sa Western women na gustong maging tagumpay sa kanilang love and marriage:

1) GAWING HARI ANG IYONG ASAWA- Alalahanin mo muna ang iyong asawa, bago ang iyong mga magulang, ang interes mo sa labas o maging sa iyong mga anak.

2) GUMISING NG MAAGA- Bumangon ng maaga bago pa man mauna ang iyong asawa. Siguraduhin na nakapaghanda ka na ng healthy breakfast bilang pag-uumpisa ng araw. Gayundin, pag-alis mo si-guraduhin na mayroon kang masa-rap na almusal na naghihintay sa kanya sa kusina sa paggising sa umaga.

3) HUWAG MAMBUWISIT- Huwag na huwag. Kung gusto niyang magpahinga mula sa pagtratrabaho at maglibang kasama ang mga kaibigan, ito ang kanyang bisnes. Kung nakalimutan niyang magtapon ng basura, ikaw na ang magkusa.

4) LAGING NASA BAHAY- Lagi mong siguraduhin na nasa tahanan ka kapag umuwi siya ng bahay mula sa opisina. Kahit na may trabaho ka rin, siguraduhing nakauwi ka na sa inyong tahanan hangga’t maaari.

5) LAGING NGUMITI- Laging batiin ang iyong asawa na may ngiti, kung makakaya mo habang inaalok siya ng malamig na drinks.

6) IHANDA ANG HAPUNAN- Kung nasa tahanan ka, laging maghanda ng masarap na hapunan sa mesa. At kung masama ang pa-kiramdam niya, bigyan siya ng masahe para maalis ang kanyang pananakit ng katawan.

7) HAYAAN SIYA SA MGA KAIBIGAN- Kung gusto ng asawa mo na makasama ang kanyang mga kaibigan sa paglalaro ng sports, o pagbisita sa inyong tahanan, huwag kang magalit. Hikayatin at siguraduhin na mayroon kang ihahandang miryenda sa kanila at malamig na softdrinks.

8) MAGTANONG MUNA- Tanungin muna siya bago gumastos sa pinaghirapan niyang pera o sa kinita mo bago ka bumili para sa sarili mo.

9) REMOTE CONTROL- Hayaan siyang pumili ng mga programa na gusto niya sa panonood ng telebisyon. Ang telebisyon ang paborito ng lalaki, kailangan siya ang dapat na masunod sa kanyang favorite movies o TV shows.

10) MASUNURIN- Huwag gawin ang di aprubado ng asawa. At huwag magreklamo tungkol dito. Kung ayaw niyang sayangin mo ang oras mo sa panonood mo ng soap operas o pakikipagkape sa kapitbahay, sundin mo siya. Pareho kayong magiging masaya rito.

11) MAGALING SA KAMA. Maging mapang-akit sa bed. Kung nais niya na magsuot ka ng sexy lingerie, magsuot ka. Maging mahiyain at mahinhin kapag nasa publiko, pero kapag pinatay na ang ilaw sa kuwarto, ipadama sa kanya na siya lang ang tanging lalaki na makapagpapayag sa iyo.

12) ALAMIN ANG SPORTS. Manood ng mga sport para may mapag-usapan kayo. Pero hayaang lagi siya ang magsisimula ng pag-uusap.

13) PANATILIHING MALUSOG. Panatilihing malusog ang iyong pangangatawan at manamit ng maayos para maging proud kayong dalawa sa publiko.

14) MAGLINIS- Laging maglinis ng bahay, lalo pa at may mga bisitang darating.At kailangang nakapaglabhan na ang mga medyas at underwear ng asawa at plantsado na rin ang kanyang damit.

Sundin ang lahat ng hakbang na ito upang maging masaya sa buong mga taon ng inyong pag-sasama.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply