Toll fee sa Skyway tinapyasan ng 42%

MABUBUNUTAN ng tinik ang mga biyaherong dumadaan sa Skyway dahil tinapyasan ng 42 porsiyento ang toll fee, na ipatutupad sa Lunes (Marso 19) ng alas-12:01 ng hatinggabi.

Ayon kay Toll Regulatory Board Executive Dir. Atty. Edmund Reyes Jr., halos aabot sa 42 porsiyento ang ibabawas sa singil sa Villamor Toll Gate ng Skyway.

Nabatid na ang class 1 vehicles na lalabas at papasok sa Villamor Toll Gate ay magbabayad na lamang ng P27 mula sa dating P35.

Ang class 2 vehicles na dating P70 ang sinisingil ay nasa P40 na lamang.

Ayon kay Reyes layunin nilang mabawan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa motorista na dumadaan sa Skyway at mabawasa ang pasanin ng mga biyahero na nagdadala ng iba’t ibang kalakal mula sa mga lalawigan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply