Toll fees hike sa SCTEX, NLEX ikakasa

POSIBLENG itaas ang singil sa toll fees ng North Luzon Expressway (NLEX) at Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) sa Abril, ito ang ibinalita kanina ng Manila North Tollways Corporation (MNTC).

Ayon kay MPTC Pres. Ramon Fernandez, kasabay ng paglulunsad nila ng programang ‘SafeTrip Mo, Sagot Ko’ kung saan libre ang wi-fi habang nasa highway, medical assistance, cellphone charging at merienda sa panahon ng Semana Santa, inianunsyo na rin nila ang nasabing posibleng toll fees hike sa susunod na buwan.

Ani Fernandez, December 2011 pa sila huling nagtaas ng singil sa toll fees at patuloy naman ang pagbibigay nila ng magandang serbisyo.

Ang malaking bahagi ng nakakalap nila mula sa singil sa toll fees ay ginagamit naman sa pagbibigay ng mahusay na serbisyo sa mga motorista.

Ani Fernandez, wala pa namang kasiguruhan kung magkano ang itataas ng toll fees dahil hindi pa nila ito napag-uusapan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply