Toneladang pirated CDs, VCDs winasak

MAHIGIT sa isang tonelada ng pirated Compact Discs (CDs) at  Digital Video Discs (DVDs) na umaabot sa halagang P10  milyon ang winasak ng Market Development  and Administration Department ng City hall at Optical  Media Board (OMB) sa Quezon city kaninang umaga.

Pinangunahan ni QC Mayor Herbert Bautista, OBM Chairman Ronnie Rickets at MDAD Chief Donnie Matias ang pagwasak gamit ang shredding machine sa  sako – sakong CDs at DVDs sa tapat ng QC Hall pagkatapos ng  Monday flag ceremony,

Napag-alaman na ang nakumpiskang pirated CDs at DVDs ay galing sa iligal vendors sa Commonwealth Market at sa Mangahan Talipapa, Litex, Novaliches Market, Tandang Sora Market, Munoz Market, Cubao Area, Balintawak at Kamuning.

Ayon kay Matias, una na siyang nakatanggap ng direktiba kay  Mayor Bautista na  magpatupad ng  mahigpit na kampanya laban sa pamimirata ng CDs at DVDs sa ilalim ng R.A. 9239 at City Ordinance No. SP1608 that curtail,  rental, transfer, distributions, manufacture, an/or production of pirated at counterfeit or fake goods.

Napag–alaman na nakumpiska ang nasabing CDs at DVDs ng pinagsanib na operatiba ng MDAD at OMB sa loob ng dalawang buwang operasyon sa naturang public  markets.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply