Torso ng lalaki sa garbage bag, natagpuan

NAKAKIKILABOT ang sinapit ng hindi pa kilalang binatilyo matapos isilid sa garbage bag ang katawan nito na walang ulo, braso at binti kung, na natagpuan sa Caloocan City Biyernes ng umaga, Marso 2.

Sa ulat, dakong alas-6:20 ng umaga, naglalakad ang isang Monet Figueroa sa Sikatuna Ave., Urduja ng lungsod nang mapansin ang garbage bag na itim sa gilid ng Business High School.

Itinawag sa barangay ng saksi ang nakita at nang puntuhan at silipin ay laking gulat nang makitang torso ng tao ang laman.

Ayon kay Senior Insp. Shirleen Ballete ng Scene of the Crime Operatives, tinatayang nasa edad 16 hanggang 17 ang biktima na binalatan pa ang balat sa dibdib upang burahin ang tattoo ng biktima.

Bukod sa wala ang iba pang parte ng katawan ay tinalupan din ng balat ang dibdib ng biktima.

Nakuha ang isang sulat dito kung saan nakalagay ang “Mabuhay Tau Gamma, hindi ninyo kaya si Makaw.”

Lumalabas din na sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon lang sa nasabing lugar.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa nasabing pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply