Totoy todas sa larong ‘Counter Strike’

HINDI akalain ng magulang ng isang binatilyo na ang paglalaro ng computer game na “Counter Strike” ang magiging dahilan ng agarang kamatayan ng kanilang anak matapos pagsasaksakin ng kanyang kaibigan sa Tondo, Maynil kagabi (Marso 18).

Kinilala ng Manila Police District-Homicide Section ang biktima na si Eric Cristobal, residente ng Tondo, Maynila.

Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya, na magkakasama umanong naglalaro ng nasabing computer game ang biktima at suspek na nakilala sa pangalang Jun Sashasi, Veejay Madrid at isang alyas Puti.

Napikon umano ang mga suspek dahil natalo sa kanilang laro hanggang sa maghamon sila ng suntukan na nauwi sa pagkakasaksak ni Puti sa biktima.

Hindi naman matanggap ng magulang ng biktima ang nangyari dahil ang mga suspek ay halos itinuring na rin nilang kapamilya.

Nakakulong na sina Sashasi at Madrid sa MPD-Homicide Section at nakatakdang sampahan ng kasong murder, habang pinaghahanap pa ng awtoridad si Puti.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply