Tradisyunal na pagpapapako sa krus sa Pampanga handa na

HANDA ang tradisyunal na pagpapapako sa krus ng mga mananampalatayang Katoliko sa San Fernando, Pampanga sa Biyernes Santo.

Sa katunayan may 20 katao ang muling magpapapako sa krus.

Ayon kay Vice Chairman Marnie Castro, si Ruben Enaje pa rin ang gaganap na Kristo ngayong taon na kanyang ika-26 na beses na pagpapapako sa krus.

Ani Castro, inaasahang nasa 40,000 hanggang 50,000 dayuhan at lokal na turista ang dadagsa sa San Fernando, Pampanga para saksihan ang pinaka-aabangang pagpapapako sa krus tuwing Mahal na Araw.

Kasabay nito, tiniyak ni Castro ang kaligtasan ng mga manunood sa pagpapapako sa krus.

Ipakakalat aniya sa lugar ang 200 pulis at k-9 dogs upang magbantay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply