Traffic advisory para sa Grand Station of the Cross inilabas

NAGPALABAS ngayon traffic advisory ang Manila Police District Traffic Enforcement Unit (MPD-TEU) para sa gaganaping Domingo de Lazaro (Grand Stations of the Cross) sa Maynila sa darating na Linggo (Marso 25).

Simula dakong alas-11:00 ng umaga, isasara sa trapiko ang southbound lane ng Quezon Boulevard, mula Andalucia/Fugoso hanggang Plaza Miranda at España/P.Campa at Lerma, para bigyan-daan ang gaganaping Grand Station of the Cross.

Ipatutupad din an re-routing ng mga sasakyan mula sa Quezon City na dadaan sa España ay dapat kumanan sa P. Campa, kaliwa sa Andalucia, kanan sa Fugoso, kaliwa sa T. Mapua papunta sa kanilang destinasyon.

Ang mga public utility jeepney at mga light vehicle na magmumula sa España at nagbabalak pumunta sa South Pier Zone ay inabisuhang kumaliwa sa Nicanor Reyes, kanan sa Recto, diretso sa Jose Abad Santos, kaliwa sa Reina Regente papasok sa Jones Bridge, kanan sa Magallanes drive papunta sa kanilang destinasyon.

Habang ang mga PUJ na rumuruta sa Monumento-Gasak-Recto at Andalucia ay pinadaraan sa Recto ay dapat na kumanan sa Fugoso, kanan sa Oroqueta, hanggang makarating sa destinasyon.

Lahat naman ng sasakyan na manggagaling sa Legarda ay dapat na kumanan sa Recto o kumaliwa sa Mendiola patungo sa kanilang destinasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply