Trak nahulog sa tulay 1 patay, 2 pa hinahanap

PATAY agad ang isa habang dalawa naman ang hinahanap pa sa rumaragasang ilog nang bumulusok sa tulay ang isang maliit na trak sa Cagayan Valley kaninang umaga.

Wala pang pagkakakilanlan ang biktima na isang pahinante ng trak habang hinahanap pa ng awtoridad ang tsuper ng trak at isa pang pahinante nito.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng umaga sa Catapan Overflow bridge na may lalim na 20 talampakan sa Tuguegarao City sa Cagayan Valley province.

Bago ito, tumatakbo ang sinasakyang Isuzu Elf truck ng mga biktima nang mawalan ng control sa manibela ang tsuper nito at malaglag habang binabaybay ang naturang tulay.

Nagmula ang naturang trak sa Maynila at patungong Cagayan Valley nang maganap ang insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply