Trak swak sa bangin: 6 na ang patay, 20 sugatan

ANIM na ang naitatalang nasawi habang 20 naman ang sugatan makaraang mahulog ang isang dump truck sa bangin sa Carranglan, Nueva Ecija pasado alas-3:00 Linggo ng hapon, Marso 5.

Kinilala ang mga nasawi na si Lorenz Gahal na siyang driver ng truck at mga pasaherong sina Suzette Dulnuan, Lita Nagsagaray, Teresita Abon, Josephine Jallorina at Rosa Lunag.

Nabatid na pauwi na sana sa Diadi, Nueva Vizcaya ang mga sakay ng dump truck na nanggaling sa isang field trip sa Pangasinan nang mawalan ng kontrol matapos masagi nang isang nag-overtake na trailer truck.

Ayon sa mga nakakita, tatlong beses munang sumirko ang truck bago nahulog sa 15 talampakang bangin.

Agad namang tumakas ang driver ng nag-overtake na trailer truck na si Gilbert Alarcon na inabandona ang sasakyan matapos ang insidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply