Trak tumimbuwang: 2 patay, 7 sugatan

PATAY ang dalawa habang pito ang sugatan makaraang tumimbuwang ang 6-wheeler truck na may kargang tubo sa Cauayan, Negros Occidental.

Ayon kay Albert Fusto, isa sa mga sakay sa naturang trak, umapaw sa gutter ng daan ang isang gulong ng sasakyan na minamaneho ni Dodong Tabujara.

Pinilit pa umano ni Tabujara na maibalik sa daan ang gulong ng sasakyan ngunit pataas ang lugar kung kaya hindi nito nabalanse ang sasakyan at tuluyang natumba.

Nabatid na nasa may 26 ang sakay ng trak na nagsitalunan nang makita na matutumba na ang sasakyan.

Nadaganan ng tubo ang dalawang nasawi habang ang tatlo sa sugatan ay mga babae na nakaupo sa tabi ng driver seat at isinugod sa Western Visayas Regional Hospital sa Bacolod City.

Habang ang ibang sugatan ay nakaratay sa Cauayan District Hospital sa Cauayan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply